May 14, 2020

I Survived a Typhoon; Now I Train Builders on Disaster-Resilient Housing to Protect Other Families from the Same Thing/ Nakaligtas ako sa Bagyo; Ngayon, tinututruan ko ang mga Builders ng tungkol sa Disaster-Resilient Housing para maprotektahan ang iba pang mga pamilya mula dito

Build Change

Author

[vc_row][vc_column][vc_column_text]

A bilingual blog in English and Tagalog by Raquel “Rocky” Lagramada, Senior Builder Trainer, Build Change Philippines

 

[/vc_column_text][vc_column_text]In November 2013, a super typhoon struck the Philippines. Locally named ‘Bagyong Yolanda’ and internationally called Typhoon Haiyan, it struck Eastern Samar in Leyte. One of the places that was hit was my birthplace in Guiuan, Eastern Samar. It is one of the moments in my life that I will never forget./ Noong November 2013, isang super typhoon ang humagupit sa Pilipinas. Pinangalanan itong “Bagyon Yolanda” dito sa Pilipinas at tinawag naman itong “Typhoon Haiyan” ng buong mundo. Ito ay nanalasa sa silanganang bahagi ng Samar, Leyte at isa sa mga lugar na tinamaan nito ay ang aking lupang sinilangan, ang Guiuan, Eastern Samar. Isa ito sa mga sandaling hindi ko malilimutan sa buong buhay ko.

 

[/vc_column_text][vc_column_text]Before we evacuated to my uncle’s house, we prepared basic necessities we might need. Because of the severity of what I experienced that dawn, I feared that my family and I would not survive. However, I could not let my fear bring me down because two families were depending on me. The morning after, I thanked God because everyone from my family was safe. When we went back to our house, I got depressed looking at what was left: only a post remained and all of our clothes were gone. I didn’t know where to begin. I realized that we needed a house, one where my family and I could stay for a while, so I made a make-shift house out of the materials that were left by the typhoon. / Bago kami lumikas sa bahay ng aking tiyo, inihanda muna namin ang mga bagay na maari naming gamitin. Dahil sa tindi ng aming naranasan noong madaling araw na iyon, natakot ako na baka hindi na kami makaligtas. Ngunit hindi ko hinayaang panghinaan ako ng loob dahil dalawang pamilya ang umaasa sa akin. Kinabukasan, nagpasalamat ako sa Diyos dahil lahat kami ay ligtas. Pagbalik namin sa aming bahay, nanlumo ako sa aming nadatnan: tanging isang poste na lamang ang natira sa aming bahay at lahat ng aming mga gamit at damit ay wala na. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Naisip ko na kailangan namin ng bahay para lamang may masilungan kami nang pansamantala, kaya naman gumawa ako ng bahay gamit ang mga natirang piraso ng kahoy mula sa nasira naming bahay.

 

[/vc_column_text][vc_single_image image=”15999″ img_size=”large” add_caption=”yes” alignment=”center” style=”vc_box_border”][vc_separator border_width=”3″][vc_single_image image=”16000″ img_size=”large” add_caption=”yes” alignment=”center” style=”vc_box_border”][vc_separator border_width=”3″][vc_column_text]

Because of this experience, I became even more determined to work hard, which was why I got myself a construction job as a laborer for Cordaid’s project in partnership with Build Change. / Dahil sa aking naranasan, mas naging determinado ako na magtrabaho ng mabuti kaya naman pumasok ako sa konstruksyon bilang isang laborer sa proyekto ni Cordaid sa pakikipagtulungan kay Build Change.

 

[/vc_column_text][vc_column_text]Fortunately, Build Change was looking for builders who wanted to receive a certificate after their training and exam. And with God’s mercy, I was picked to become a Builder Trainer. This is when I realized that builders have major responsibilities in building houses, as they are the ones that are responsible for the community’s safety through resilient construction. I have this saying, “stronger houses, towards stronger ties and safe families.” / Sa kabutihang palad, noong panahong iyon ay naghahanap si Build Change ng mga builders na gustong maging sertipikado pagkatapos nang isasagawa nilang training at exam. Sa tulong ng Diyos, isa ako sa mga napili na maging Builder Trainer. Dito ko napagtanto na ang mga builders ay may napakalaking responsibilidad sa pagbibigay ng seguridad sa buong komunidad sa pamamagitan ng matibay na paggawa ng mga bahay. Narito ang isa sa aking mga kasabihan na gusto kong ibahagi “matibay na bahay tungo sa matibay na pagsasamahan at ligtas na pamilya.”

 

[/vc_column_text][vc_column_text]Because of what I have learned in my training, I have persevered so that I can help those families whose homes were damaged in other typhoons. Because of the trainings that I run, local builders can make certain that the houses they construct will be stronger and safer. I also applied what I have learned to build my own family’s new house. Now, I am confident that our house can withstand any disaster our country may face. Every time we conduct training, I always tell the homeowners to prioritize strengthening their houses. Even now, I continue the mission I share with Build Change, which is to strengthen houses for communities. / Dahil sa mga natutunan ko sa aking mga trainings, nagpursigi ako para matulungan ko ang iba pang mga pamilya na nasalanta ng mga bagyo. Dahil sa mga trainings na aking naisagawa, makasisiguradong ang mga bahay na ginawa ng mga builders ay matibay at ligtas. Ginamit ko din ang aking mga natutunan sa paggawa ng bago naming bahay. Ngayon, tiwala ako na ang aming bahay ay kaya nang lumaban sa kahit na anong kalamidad na maaring dumating sa ating bansa. Sa tuwing nagsasagawa kami ng training, palagi kong sinasabi sa mga homeowners na bigyang prayoridad ang pagpapatibay ng bahay. Sa ngayon, pinagpapatuloy ko ang mission ng pagpapatibay ng mga bahay para sa mga komunidad kasama si Build Change.

 

[/vc_column_text][vc_single_image image=”16001″ img_size=”large” add_caption=”yes” alignment=”center” style=”vc_box_border”][vc_separator border_width=”3″][vc_single_image image=”16002″ img_size=”large” add_caption=”yes” alignment=”center” style=”vc_box_border”][vc_separator border_width=”3″][vc_column_text]My heartfelt gratitude goes to the Build Change family for the trust they have given me.  Build Change truly believes in the principle of gender equality for female employees.  I pray that as a global team, we can continue to expand and do much more.  /  Taos puso ang aking pagpapasalamat sa Build Change Family para sa tiwala na binigay nila sa akin. Ang Build Change ay talangang naniniwala sa prinsipyo ng gender equality para sa mga kababaihan. Pinagdarasal ko na bilang isang global team ay sana mas madami pa kaming magawa at maipagpatuloy namin ito.

 

[/vc_column_text][vc_column_text]Since everyone currently spends most of their time at home due to COVID-19, for those who were helped by Build Change, I am sure they are not just safe from the virus, but also from the disasters to come.   Responding to COVID-19 is certainly a huge challenge, but I am confident that Build Change will continue to evolve and assist families that need to strengthen their homes. Safety has to come first, both when responding to pandemics and disasters.  / Ngayon, lahat tayo ay patuloy na namamalagi sa ating mga tahanan dahil sa COVID-19, para sa mga natulungan ni Build Change, sigurado ako na hindi lamang sila ligtas mula sa virus, ligtas din sila mula sa mga kalamidad na parating. Ang pagtugon sa COVID-19 ay talaga namang napakalaking pagsubok, pero ako ay kompyansa na si Build Change ay patuloy na tutulong sa mga pamilya na patibayin ang kanilang mga bahay. Prayoridad ang kaligatasan lalo na sa pagtugon sa pandemya at kalamidad.

 

[/vc_column_text][vc_column_text]Let’s all stay home and defeat this virus as soon as possible so that we can get back to the lifesaving work we were already doing. / Tayo ay manatili sa ating mga tahanan at labanan natin ang virus na ito nang sa lalong madaling panahon ay makabalik kami sa aming adhikain na makapagligtas pa ng mas maraming buhay.

 

[/vc_column_text][vc_single_image image=”16003″ img_size=”large” add_caption=”yes” alignment=”center” style=”vc_box_border”][vc_separator border_width=”3″][/vc_column][/vc_row]

Support resilient housing worldwide

Join us in preventing housing loss caused by disasters and climate-induced events.

Donate now

Newsletter

Sign up for our newsletter to receive updates on our latest news, events, and more.